Ayon kina Cavite Rep. Gilbert Remulla at Pampanga Rep. Francis Nepomuceno, ang dapat bantayan ni Laguardia ay ang mga malalaswang live showbiz talk shows na walang patumanggang tumatalakay ng kalaswaan at kaimoralan sa mga oras na napapanood ng mga bata.
Nagbanta naman kahapon ang may 5-M miyembro ng Ang Dating Daan na pinamumunuan ni Bro. Eliseo Soriano na magsasagawa ng protesta sa tanggapan ng MTRCB upang ipamukha sa pamahalaang Arroyo ang mga kapalpakan ni Laguardia.
Ang kilos protesta ay bunsod pa rin sa indefinite suspension na ipinataw ni Laguardia sa mga programa ni Bro. Eli, bukod pa rito ang hindi pagpapahintulot ng pagpo-produce ng TV program at paglutang sa media ni Soriano para sa news interview.
Bukod sa kasong isinampa ng ADD o ng Church of God Ministry kung saan presiding minister si Soriano ay nahaharap din sa kasong paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Official at Technical Malversation of Public Funds sa Ombudsman na isinampa ni MTRCB board Fr. Nico Bautista. Ayon kay Bautista, wala nang dahilan upang manatili sa puwesto si Laguardia dahil hindi ito qualified sa ahensiya. (Ulat nina Malou Rongalerios/Doris Franche)