Pinoy tipid-gas gadget patok sa ECOP at Fil-Chinese community
May 30, 2005 | 12:00am
Pumatok sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) at Filipino-Chinese community ang imbensiyong Pinoy ni Pablo Planas na tinatawag ngayong Pinoy tipid-gas gadget o Khaos Super Turbo Charger (KSTC).
Iprinisinta ni Planas ang kanyang imbensiyon sa dalawang pinakamaimpluwensiyang grupo sa bansa, ang ECOP at ang Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII).
Naging guest speaker si Planas sa ginanap na 26th National Conference of Employers (NCE) na inorganisa ng ECOP sa Manila Hotel at hinarap ang grupo ng mga Fil-Chinese sa Binondo, Manila sa kanilang lingguhang pagpupulong na may temang "Buy Pinoy".
Ipinaliwanag ni Planas ang kanyang imbensiyon sa harap ng opisyales at may daang miyembro ng FFCCCII na ang KSTC ay ang solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at sa lumalalang problema sa polusyon.
Tinulungan ni Antonio Sy, isang Fil-Chinese si Planas na ipaliwanag ang device sa kanilang sariling lengguwahe (Mandarin) upang mas madaling maintindihan ng ibang Tsinoy. Si Sy ang pinakabagong dealer ng Inventionhaus International Corp. (IIC), ang manufacturer at distributor ng KSTC sa Binondo area.
Dahil sa napapansin na ito ng mga Tsinoy, ayon namay kay Rico Gonzales, IIC area vice-president, isa itong senyales na ang device ay talagang epektibo. "We would like to thank the Filipino-Chinese community for allowing us to present this humble invention of Mr. Planas. This will be a great opportunity for us, ani pa ni Gonzales.
Ang air-bleed technology ni Planas ay umabot na sa ibang bansa na may 18 international dealers at mahigit 100 dealers sa Pilipinas. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended