Kahit dinedma ng Arroyo gov't tipid-gas gadget tuloy ang laban
May 29, 2005 | 12:00am
Desidido ang imbentor na si Pablo "Mr. Khaos" Planas na ikalat ang imbensiyon na tipid-gas gadget kahit na patuloy itong dinededma ng pamahalaan.
Si Planas, imbentor ng Khaos Super Turbo Charger (KSTC) at kasalukuyang nasa Amerika upang harapin sa isang one-on-one discussion si US Pres. George W. Bush, ay nagsabing hindi kailanman makukuha ng banyaga ang kanyang imbensyon.
"Puwede siguro mag-dealer sila sa Amerika, pero para kunin pati ang ating formula, no way," ani Planas.
Dahil dito, inihayag ng Inventionhaus International Corp. (IIC), manufacturer ng KSTC, na maglulunsad sila ng panibagong programa na tinatawag nilang "Khaos is everywhere o Kahit saan, may Khaos". Layunin nito na palawakin ang kanilang outlet at installation sites para higit silang mapansin ng mga motorista na nagnanais makatipid sa pagkonsumo ng gasoline.
Katuwang ang VFA Solutions and Services, isang tatlong araw na event exhibit ang inilunsad kamakailan sa Pasig City.
Ipinakita dito na ang KSTC ni Planas ay hindi lamang pang-kotse, kundi mayroon na rin nito para sa mga motorsiklo na pinakikinabangan ngayon ng daang libong tricyle drivers sa bansa.
Ang Metro Manila ang magsisilbing pilot area ng naturang programa at mga ilang araw pa ay makikita na ito sa ibat ibang panig ng Pilipinas. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am