Pigsa outbreak binabantayan
May 27, 2005 | 12:00am
Upang maiwasan ang epidemya, inatasan kahapon ni Caloocan City Mayor "Recom" Echiverri ang City Health Department (CHD) na bantayan ang mga bilanggo sa piitan ng lungsod matapos makarating sa kanyang kaalaman ang pagkakaroon ng pigsa ng ilang preso sa Caloocan City Jail.
Pinaniniwalaan na ang labis na init at kakulangan ng maayos na daloy ng hangin o bentilasyon ang dahilan kaya maraming bilanggo ang tinamaan ng pigsa at iba pang sakit sa balat. "Hindi pa naman napatutunayan ang pagkakasala ng mga bilanggo sa piitan dahil nililitis pa ang kanilang kaso kaya nararapat lang na protektahan natin ang kanilang kalusugan," ani Echiverri.
Ipinag-utos na rin ni Echiverri sa CHD na alamin ang kakayahan ng lokal na pamahalaan na magbigay ng gamot sa city jail. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am