21M students balik-eskwela

Handa na ang Department of Education sa pagbabalik ng mahigit sa 21 milyong estudyante sa kani-kanilang eskwelahan matapos na siguruhin din ni MMDA Chairman Bayani Fernando at kinatawan ng PNP na walang problema para sa darating na pasukan sa Hunyo 6.

Handa na ang lahat ng gagamiting libro sa mga public school, ayos na ang flood control ng kamaynilaan at handa na ang kapulisan upang protektahan ang mga estudyante sa iba’t-ibang krimen. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments