^

Bansa

Jueteng lords hinahanting ng NBI

-
Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paghahanap sa mga jueteng lord at iba pang sangkot sa operasyon ng iligal na sugal sa tatlong rehiyon sa bansa.

Ito ay alinsunod sa instruction ni Justice Secretary Raul Gonzales na imbestigahan ang kontrobersyal na jueteng scandal na nagdadawit kay First Gentleman Mike Arroyo, anak nitong si Cong. Mikey Arroyo at kapatid na Cong. Iggy Arroyo.

Dahil dito, agad na inatasan ni NBI Director Reynaldo Wycoco si Region 3 Director Edward Villarata, Region 4 Director George Jularbal at Region 6 Director Lauro Reyes na hanapin ang mga personalidad na nasa kanilang nasasakupan.

Kabilang sa mga hinahanting ng NBI ay sina Mario Espinosa, dating Presidential Assistant for Bicol; Tonton Roman, umano’y anak ni dating Bataan Governor Roman; Toto Ronnie, umano’y jueteng lord sa Bataan; Art Katigbak at Alex Tang ng Camarines Norte; Zaldy alyas Tiger, Tony Santos ng Camarines Sur, Arvin Liao at Leong Lim ng Sorsogon, Gener David alyas Boy Tangkad at Sr. Supt. Pat Hernandez ng PNP-CIDG.

Inatasan din ng NBI Intelligence Service na kilalanin ang pagkatao nina B1, B2 at 01.

Tatanungin din ng NBI at kukunan ng komento, ang mga governor ng Batangas, Tarlac, Camarines Norte, Camarines Sur at vice governor ng Nueva Ecija, hinggil sa isyu ng jueteng.

Ayon kay Wycoco, mayroon ng ideya ang NBI kung sino sina B1, B2, 01 at Boy Tangkad at umaasa sila na hindi magkakaroon ng substitution sa pagkatao ng mga nabanggit. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ALEX TANG

ART KATIGBAK

ARVIN LIAO

BATAAN GOVERNOR ROMAN

BOY TANGKAD

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

DIRECTOR EDWARD VILLARATA

DIRECTOR GEORGE JULARBAL

DIRECTOR LAURO REYES

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with