^

Bansa

Hold departure order sa utol ni Ramos

-
Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Immigration (BI) na isailalim sa "watchlist" si Ester Ramos-Bailley, ang kapatid ng pinaslang na Assistant Secretary ng Department of Foreign Affairs (DFA) na si Alicia Ramos.

Ginawa ni Justice Sec. Raul Gonzalez ang nasabing kautusan kay Immigration Commissioner Alipio Fernandez Jr. matapos na ‘ikanta’ ng akusadong si Roberto Lumagui si Bailley na siya umanong utak sa nasabing krimen.

Sa 1-pahinang memorandum ni Gonzalez kay Fernandez, sinabi nito na kailangang isama ang pangalan ni Bailley sa mga listahan ng mga akusadong hindi dapat makalabas ng Pilipinas, upang tuluyang hindi mapagkaitan ng katarungan ang pagkamatay ng nasabing Asec.

"In the interest of the public and so as not frustrate the ends of justice, you are hereby directed to include in the bureau’s watchlist the name of Ester Ramos Bailley, who stands charged as one of the respondents for robbery with homicide," nakasaad sa memorandum.

Nagpahayag din ng pangamba ang kalihim na posibleng hindi na mahaharap pa ni Bailley ang kanyang kasong kriminal sa oras na makalusot ito palabas ng bansa.

Magugunita na nauna nang idinepensa ng abogado ni Bailley ang kanyang kliyente na wala itong kakayahang magplano ng isang krimen dahil sa matagal na umano itong naka-confine sa St. Claire Hospital malapit sa kanilang bahay sa Makati City. (Ulat ni Gemma A. Garcia)

ALICIA RAMOS

ASSISTANT SECRETARY

BAILLEY

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTER RAMOS BAILLEY

ESTER RAMOS-BAILLEY

GEMMA A

IMMIGRATION COMMISSIONER ALIPIO FERNANDEZ JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with