Sec. Dayrit nag-resign

Matapos ang ilang araw na pananahimik at bulong-bulungan tungkol sa kanyang pagbibitiw, pormal nang nilisan kahapon ni Health Secretary Manuel Dayrit ang kanyang puwesto.

Sa press conference kahapon, pinasalamatan ni Dayrit si Pangulong Arroyo dahil sa binigyan umano siya nito ng pagkakataong maging miyembro ng Gabinete.Sinabi ni Dayrit na walang halong pulitika sa kanyang pagbibitiw at pressure sa trabaho lamang ang dahilan. Bukod sa kailangan na umano niyang mag move-on sa kanyang propesyon, isang dahilan din ng pagre-resign ni Dayrit ang kanyang asawa na na-diagnose na may cancer.

Tinanggap naman ng Pangulo ang resignation at pinapurihan si Dayrit sa magaganda nitong accomplishments. (Ulat ni Gemma Garcia/Ellen Fernando)

Show comments