Jail officials sa Cavite pinasisibak
May 6, 2005 | 12:00am
Matapos ang sunud-sunod na pagtakas ng mga bilanggo sa Cavite Provincial Jail, ipinag-utos kahapon ni Governor Ayong Maliksi ang pagsibak sa puwesto ng tatlong provincial jail officials.
Sa ginawang imbestigasyon, napatunayang nagpabaya sa tungkulin sina Provincial Jail Warden Dante Malabanan at ang alalay nitong si Severino Lubigan at si jail guard Oscar Mendoza dahil sa sunud-sunod na pagpuga ng mga bilanggo sa nasabing piitan.
Ang pinakahuli ay naganap noong Abril 27 kung saan tumakas si Maem Sarip, alyas Maymay matapos na suhulan umano ng malaking halaga ang mga guwardiya sa nasabing bilangguan.
Bukod sa pagtakas ni Sarip, may tatlo pang insidente ng pagpuga ang naganap sa nasabing piitan.
Napatunayan na pinapayagan ng mga guwardiya na maglabas-masok ang mga bilanggo sa piitan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am