^

Bansa

Pag-aaral ng mga anak nang napapaslang na sundalo, pulis dapat sagutin ng gobyerno – Villar

-
Isinulong ni Senador Manny Villar ang pagbibigay ng benepisyong pang-edukasyon sa mga pulis at militar sa harap ng tumitinding panganib na kinakaharap ng mga ito sa kasalukuyan.

Ayon kay Villar, kadalasan ay nalalagay sa peligro ang kinabukasan ng mga anak ng mga sundalo at pulis dahil sa pagsuong ng kanilang mga magulang sa pang-araw-araw na panganib. Tungkulin ng gobyerno na pangalagaan ang mga batang ito anuman ang sapiting ‘di maganda ng kanilang mga magulang sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Kaugnay nito ipinanukala si Villar ang Senate Bill 745 na magkaloob ng educational benefits sa mga batang supling ng mga kagawad ng AFP at PNP na mapapatay ng mga rebelde o mapapaslang habang gumaganap sa kanilang tungkulin.

"Kakarampot lang ang suweldo ng mga pulis at sundalo kaya ang mabigyan ng tulong sa pag-aaral ang kanilang mga anak kapag may nangyaring trahedya sa kanilang pamilya ay malaking tulong na sa kanilang pamilya," dagdag pa ni Villar, presidente ng Nacionalista Party.

Sakop sa panukala ang mga batang naulila bago pa man maging batas ang Senate Bill 745 at iba pang anak na hindi pa nakapagtapos ng high school.

Bibigyan ang mga ito ng pera para sa libro, pamasahe, damit at allowance. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BIBIGYAN

ISINULONG

KAKARAMPOT

KANILANG

NACIONALISTA PARTY

RUDY ANDAL

SENADOR MANNY VILLAR

SENATE BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with