PNP Data Bomb Center itatayo
April 28, 2005 | 12:00am
Upang lubusang maresolba ang lumalalang terorismo, inaprubahan kahapon ng National Police Commission (Napolcom) ang pagkakaroon ng Philippine National Police (PNP) Data Bomb Center sa buong bansa.
Sa isinagawang Commission en banc, inaprubahan nina Napolcom Chairman Angelo Reyes, Vice-Chair at Executive Officer Imelda Roces at ng apat na commissioner ang Resolution No. 2005-078 na magtatatag sa PNP Data Bomb Center.
Ang tanggapan ang siyang mangangalap ng mga data intelligence, ebidensiya at mag-aanalisa ng mga impormasyon na may kaugnayan sa terorismo tulad ng mga insidente ng pambobomba, mga bombers o suspek at modus operandi ng mga ito.
Ang PNP Data Bomb Center ay ilalagay sa loob ng Camp Crame sa ilalim ng pamamahala ng PNP Directorate for Operations kung saan ang magsasagawa ng operasyon ay ang mga kapulisan na higit na eksperto sa bomba.
Ang nasabing tanggapan rin ang magsisilbing coordinating body para mag-provide ng technical assistance, operation support, enhancement training at strategic information na may kinalaman sa mga explosives, domestic o international man ang insidente.
Sa mga susunod na linggo ay uumpisahan na ang operasyon ng PNP Bomb Data Center. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest