^

Bansa

P160-M commercial, magazine ads ng Duty Free, pinaiimbestigahan

-
Hiniling kahapon ng mga concerned employees ng Duty Free Philippines (DFP) kay Senator Alfredo Lim na paimbestigahan ang umano’y multi-milyong anomalya ni DFP manager Michael Christian Kho sa ilegal na paglalagay ng P160 milyong commercial sa CNN-Asia at sa dalawang international magazines.

Ayon sa liham na ipinadala ng mga empleyado kay Lim, dapat anilang matukoy sa isasagawang imbestigasyon ng Senado kung sinu-sino ang dapat managot sa nasabing anomalya.

Hiniling din nila na suspindihin muna si Kho bilang manager habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Nabatid na nag-ugat ang nasabing anomalya nang kunin ng DFP bilang agent ang Vision Works Inc. upang siyang mamahala sa paglalagay ng commercial ng ahensya sa CNN-Asia at sa Times at Fortune magazines sa nasabing halaga na walang kaukulang bidding mula Abril hanggang Hunyo, 2004.

Lumilitaw din sa mga voucher na nagkaroon umano ng "overpricing" sa tunay na halaga ng broadcast ads sa CNN na pinaniniwalaang mayroong sabwatan ng Vision Works at ni Kho bilang pinuno ng DFP.

Napag-alamang hindi isang ad agency ang Vision Works kundi supplier ito ng tarpoulin bukod sa wala itong kuwalipikasyon para hawakan ang katulad na transaksyon. (Rudy Andal)

vuukle comment

ABRIL

AYON

DUTY FREE PHILIPPINES

HINILING

KHO

MICHAEL CHRISTIAN KHO

RUDY ANDAL

SENATOR ALFREDO LIM

VISION WORKS

VISION WORKS INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with