^

Bansa

National ID kukuwestyunin sa SC

-
Kukuwestiyunin ng ilang mambabatas sa Supreme Court (SC) ang nilagdaang Executive Order ni Pangulong Gloria Arroyo na naglalayong ipatupad ang National Identification (ID) System.

Ayon kina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Gabriela Rep. Liza Maza, haharangin nila sa SC ang pagpapatupad ng nasabing EO dahil labag ito sa batas.

Naniniwala si Maza na maaaring maabuso ang paggamit ng nasabing ID lalo aniya’t may "fascist mindset" ang mga awtoridad.

Labag din aniya iro sa basic human rights dahil matitiktikan na ng gobyerno ang kilos ng mga mamamayan.

Nagtataka naman si Ocampo kung bakit isinusulong pa rin ang ID System na sinimulan noon pang 1988 habang hepe pa ng Armed Forces of the Philippines si dating Pangulong Fidel Ramos.

Noong naupong presidente si Ramos, nagpalabas na rin siya ng Administrative Order 308 para sa pagpapatupad ng ID system pero hindi ito naisakatuparan.

Kapwa naniniwala sina Maza at Ocampo na maaaring gamitin ang nasabing ID sa mga kalaban ng gobyerno.

Idinagdag ni Maza na responsibilidad ng Kongreso ang pagpapasa ng panukala hinggil sa ID system at hindi ito maaaring ipatupad dahil lamang sa isang EO na ipinalabas ng Pangulo. (Ulat ni MRongalerios)

ADMINISTRATIVE ORDER

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BAYAN MUNA REP

EXECUTIVE ORDER

GABRIELA REP

LIZA MAZA

NATIONAL IDENTIFICATION

OCAMPO

PANGULONG FIDEL RAMOS

PANGULONG GLORIA ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with