^

Bansa

Nat'l ID System ‘luto na’

-
Matapos ang masusing pag-aaral, nagbigay na nang go-signal ang Malacañang hinggil sa pagpapatupad ng National Identification (ID) System sa lahat ng sangay ng gobyerno na nakikipag-transaksyon sa publiko.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 420 na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, inatasan nito ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at ang government-owned and controlled corporations (GOCCs) na maging epektibo at ipatupad ang ID system. Binibigyan din ng kapangyarihan ang National Economic and Development Authority para sa nasabing implementasyon.

Ayon sa kautusan, ang kasalukuyan at maraming uri ng ID system sa gobyerno ay nagdudulot lamang ng kalituhan at mas mataas na gastusin ng pamahalaan sanhi ng hindi pagiging kombinyente ng mga indibidwal na humahawak ng iba’t ibang uri ng ID card.

"There is urgent need to streamline and integrated the processes and issuance of indentification cards in government to reduce costs and to provide greater convenience for those transacting business with the government," anang EO.

Ang unified ID system ay ang magiging "kalasag" o hawak ng bawat indibidwal na siya nang kikilalanin ng gobyerno para sa anumang pribadong transakyon nito sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan gaya ng SSS, GSIS at iba pa upang maiwasan ang paglabag sa batas na may kaugnayan sa paggamit ng iba’t ibang pangalan at pagkakakilanlan.

Layunin pa ng National ID System na maibigay ang mahusay na kalidad at epektibong serbisyo ng gobyerno sa publiko.

"All government agencies and government-owned and controlled corporations issuing ID cards to their members or constituents shall be covered by this executive order," nakapaloob sa Section 2 ng nasabing kautusan.

Limitado lamang ang mga data na nakalagay o nakarekord sa ID tulad ng "name, home, address, sex, picture, signature, date of birth, place of birth, marital status, names of parents, height, weight, two index fingers and two thumbmarks, any prominent distinguishing features like the moles and others, at Tax Idetification Number (TIN)".

Kaugnay nito, nakatakda pang makipagpulong ang ilang kinatawan ng Palasyo sa mga sangay ng gobyerno upang "plantsahin" ang mga ipapatupad na alituntunin sa nasabing National ID System.

Magugunita na una nang hiniling sa Arroyo administrasyon ng iba’t-ibang sector na ipatupad ang ID system dahil na rin sa pagkalat ng mga terorista at masasamang elemento.

Sa pamamagitan ng iisang card, matutukoy ang mga "dayo" sa isang barangay na may planong maghasik ng karahasan.(Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

BINIBIGYAN

ELLEN FERNANDO

EXECUTIVE ORDER NO

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL IDENTIFICATION

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SYSTEM

TAX IDETIFICATION NUMBER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with