^

Bansa

Pagtutol ni GMA sa emergency power sa pagtaas ng langis sinuportahan

-
Suportado ng mga kongresista ang desisyon ni Pangulong Arroyo na huwag gumamit ng emergency power sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kina Reps. Ernesto "Banzai" Nieva at Isidoro Real, makukuha naman sa pakiusap at negosasyon ng mga opisyal sa Department of Energy ang mga kumpanya ng langis upang mahikayat na maghinay-hinay ang mga ito sa pagtaas sa kanilang presyo.

Hiniling din ng mga kongresista sa DOE na madaliin ang ginagawang pagrebisa sa Oil Deregulation Law at sa Oil Contingency Plan.

Naniniwala ang dalawa na dapat nang magsagawa ang DOE ng mga hakbangin upang maiwasan ang pagkakaroon ng krisis sa enerhiya.

Kabilang sa pagbabago sa Oil Contingency Plan ng DOE ang regular na pakikipag-usap sa mga oil firm upang mahikayat na huwag nang magtaas pa ng presyo ng produktong petrolyo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

DEPARTMENT OF ENERGY

ERNESTO

HINILING

ISIDORO REAL

MALOU RONGALERIOS

OIL CONTINGENCY PLAN

OIL DEREGULATION LAW

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with