^

Bansa

Biyuda ni Rosca umapela kay GMA

-
Nananawagan ng hustisya ang pamilya ng yumaong si Caloocan City Councilor Eduardo "Popoy" Rosca kay Pangulong Gloria Arroyo sa pagkakatalaga nito kay Christopher Malonzo bilang miyembro ng konseho.

Ayon kay Hilda Rosca, biyuda ng konsehal, inindorso ng mga lokal na miyembro ng Lakas at maging ng mga konsehal na hindi kasapi ng partido ng mayorya si Kristen Joy, anak ng yumaong konsehal upang pumalit sa posisyon ng kanyang ama.

Sa kabila nito, si Christopher na anak ng dating alkalde at natalong kandidato sa pagka-congressman na si Rey Malonzo ang in-appoint ni President Arroyo.

Ito umano ay dahil minadali ni Malonzo, chairman ng Lakas-Caloocan chapter, ang pag-i-endorso sa kanyang anak nang hindi kinukonsulta ang mga miyembro ng partido.

Idinagdag pa nito na kung nabubuhay pa si Popoy ay hindi nito papayagan ang pang-aaping ginagawa ni Malonzo sa kanyang pamilya at maging sa pagiging diktador sa partido.

Sinabi pa nito na niloko siya ni Malonzo nang kunin nito ang death certificate ng kanyang asawa nang hindi nito sabihin ang tunay na dahilan ng pagkuha ng certificate.

Huli na umano nang malaman niya na ginamit umano ni Malonzo ang certificate para i-endorso ang kanyang anak.

Binigyang-diin ni Rosca na ang dapat pumalit sa kanyang asawa ay galing sa kanila dahil ito ang tradisyon hindi lamang sa pulitika sa Caloocan kundi maging sa ibang lungsod.

Nagpasa na ang mga kapitan ng barangay sa District 1 ng isang resolusyon na nag-eendorso kay Kristen Joy bilang kapalit ng kanyang ama sa Sangguniang Panglungsod. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY COUNCILOR EDUARDO

CHRISTOPHER MALONZO

HILDA ROSCA

KANYANG

KRISTEN JOY

MALONZO

NITO

PANGULONG GLORIA ARROYO

POPOY

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with