Sa kanilang resolution, sinabi ng kanilang tagapangulo na si Jose Andiso, na sana maging sensitibo ang Pangulo sa kanilang kalagayan at siya na lamang ang makakatulong sa mga magsasaka upang maisalba ang kanilang ikabubuhay na pinapatay unti-unti ng mga walang awang opisyales ng pamahalaan na nakikipagsabwatan sa mga vegetable smugglers.
Buhat nang magkaroon anila ng murang importasyon ng gulay sa mga local market ay halos hindi na nabibili ang kanilang local vegetable products, kung kayat nagugutom na ang mga magsasaka dito na umaasa lamang sa benta ng kanilang pananim.
Sinabi pa na kapag naapektuhan nang tuluyan ang kanilang produkto ay walang ibang gagawin ang mga magsasaka kundi magtanim na lamang ng marijuana upang mabuhay lamang sila.
Ang lalawigan ng Benguet ay dating kilala na pinanggagalingan ng hekta-hektaryang pananim na marijuana dahil sa mas malaki ang kikitain nila dito.
Binatikos din ng mga magsasaka ng Bureau of Plant Industry dahil sa kaduda-duda nitong hakbang na isinasagawang consultation sa pest risk analysis (PRA) sa mga Chinses carrots.
Dahil dito, nagbanta ang mga magsasaka na magpipiket sila sa PRA consultation na gaganapin sa Golden Pina Hotel ngayong araw na ito.
Nauna dito, hiniling ni Gov. Borromeo Melchor sa BPI na ganapin na lamang ang PRA consultation sa capitol compound upang mas maraming magsasaka ang makadalo, ngunit hindi pumayag ang mga taga-BPI. (Myds Supnad)