Anila, ilan sa sangkot sa sindikato ay kasapi umano ng Private Emission Testing Center Owners Association (PETCOA).
Binulgar ng mga environmentalists na may malakas umanong koneksiyon sa ilang tiwaling opisyal ng LTO, DENR at DOTC ang ilang opisyal ng PETCOA kaya "untouchable" ang grupo ng sindikato.
Ilan sa mga binabanggit ng mga environmentalists ay ang Tower Emmission, Royjuls Emission at Achilles Emission na miyembro ng PETCOA.
Binunyag ng grupo na ilan sa mga emission testing centers na sangkot ay ilang ulit nang sinuspinde dahil sa umanoy talamak na katiwalian subalit patuloy na nag-ooperate dahil na rin sa pakikipagsabwatan umano ng ilang tiwaling opisyal at tauhan ng nabanggit na mga ahensya. (Ulat ni Ellen Fernando)