Parañaque gagawing jueteng at drug free
April 3, 2005 | 12:00am
Nanawagan ng aktibong suporta si Parañaque City Mayor Florencio M. Bernabe Jr., sa grupo ng top business executive sa kanyang 10-point strategic program ngayong taon, partikular ang layuning gawing jueteng at drug-free ang lungsod.
Kaagad namang tumugon sa panawagan ang grupo ni Julie Anne Pascual-Torres ng Parañaque Workers Affairs Office (PWAO) at nagsabing ngayon na ang panahon para ang gobyerno, mga negosyante, labor sector at mga residente ay magkaisa para sa pagbuo ng matatag na republika.
Ayon kay Pascual-Torres, maisasakatuparan lamang ni Mayor Bernabe ang kanyang mga programa kung tutulungan siya ng mga negosyante, empleyado at mismong mamamayan kaya hinihikayat ang lahat ng residente ng lungsod na suportahan ang local chief executive.
Layunin ni Bernabe na maging malinis at pinakamagandang lungsod sa buong bansa ang Parañaque.
Gayundin ang pagbibigay ng tahanan at paghahanap ng permanenteng solusyon sa mga nakatira sa squatters area. (Ulat ni Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest