^

Bansa

Bakante sa konseho punan na – Recom

-
Pormal nang hiniling ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri kay Pangulong Arroyo na punan ang nabakanteng upuan sa konseho ng lungsod makaraang pumanaw ang isang miyembro nito.

Sa ulat na ipinadala ni Echiverri sa Pangulo na may petsang Marso 22, inirekomenda nito na ipalit si Kristen Joy Rosca sa puwestong iniwan ng kanyang namayapang ama na si Konsehal Eduardo "Popoy" Rosca.

Ipinaliwanag ng alkalde na alinsunod sa nakasaad sa Section 45 (b) ng Local Government Code, na nagtatakda kung anong partidong politikal ang mayroong kapangyarihan magtalaga ng kapalit sa nabakanteng puwesto sa Konseho, ang Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ang higit na mayroong karapatan magrekomenda sa nabakanteng upuan sa Konseho.

Sinabi ni Echiverri na ang namayapang si Rosca ay kasapi ng Lakas-CMD at pangatlo sa anim na konsehal na nanalo sa Unang Distrito ng lungsod.

Dahil sa pagkawala ni Rosca, aangat sa posisyon ang iba pang konsehal at maiiwan sa pang-limang upuan ang dating nasa hulihang puwesto na si Konsehal Nora Nubla na kaanib ng LDP.

"It is our contention that the replecement should come not from political party of late Rosca, but from the political party who placeds last in the recent election. This in effect creates the last vacancy and should be filled up by the political party of Councilor Nubla, which is the LDP," anang alkalde.

Nauna nang inindorso ng Sangguniang Panglungsod ng Caloocan ang batang Rosca bilang kapalit ng kanyang ama.

Batay sa ipinasang Resolution No. 001-2005, naniniwala ang mga miyembro ng konseho na si Kristen Joy ang pinakamabuting pumalit sa puwesto ng kanyang ama dahil alam niya ang layunin at pagmamahal nito sa kanilang mga nasasakupan. Alinsunod din ito sa tradisyong pinapairal sa konseho na ang kamag-anak ng namayapang konsehal ang papalit sa maiiwang puwesto.

Umaasa si Echiverri na bibigyang konsiderasyon ni Pangulong Arroyo ang malayang desisyon at nominasyon ng LDP at nakararaming miyembro ng Lakas-CMD pabor sa batang Rosca. (Ulat ni LATolentino)

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

COUNCILOR NUBLA

DEMOKRATIKONG PILIPINO

ECHIVERRI

KONSEHAL EDUARDO

KONSEHAL NORA NUBLA

KONSEHO

KRISTEN JOY

PANGULONG ARROYO

ROSCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with