Akusado sa Aquino-Galman nagpenitensiya
March 22, 2005 | 12:00am
Napaaga ang pagpepenitensiya ng 15-akusado sa Aquino-Galman double murder case, ito ay matapos na magsimula ang mga ito sa pag-aayuno o hindi pagkain dahil sa ginawang pagbasura ng Supreme Court sa kanilang kahilingan na muling mabuksan ang nasabing kaso.
Ang nasabing "fasting" ay sinimulan kahapon ng 15 akusado sa pamamagitan ng pagkain ng lugaw at walang humpay na panalangin.
Ipinaliwanag ni Atty. Persida Rueda Acosta, hepe ng Public Attorneys Office (PAO) na layunin ng nasabing pag-aayuno na maantig ang damdamin ng mga mahistrado ng SC upang pagbigyan ang kanilang kahilingan para muling mabuksan ang kaso ng pagpatay kay dating Senador Banigno Aquino, Jr.
Kasabay naman nito ay nagsagawa rin ng misa sa harap ng SC si running priest Fr. Robert Reyes kasama ang mga may-bahay ng 15 sundalo na hanggang ngayon aniya ay pinagkakaitan ng hustisya.
Hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang PAO matapos na sabihin nito na ngayong araw na ito (Marso 22) ay maghahain din ito ng motion for reconsideration para hilingin na bawiin ng Supreme Court (SC) en banc ang naging hatol para sa muli nilang isailalim sa panibagong paglilitis sa naturang kaso.
Naniniwala ang 15 sundalo na sila ay mga inosente at kinakailangang mabigyan ng pagkakataon upang muling malitis. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended