Divorce bill sa Kamara, haharangin sa Senado
March 21, 2005 | 12:00am
Nagpahayag ng pagtutol ang mga senador sa panukalang divorce bill ni Rep. Liza Maza ng Gabriela Party-list dahil taliwas ito sa sinumpaan ng mag-asawa na magsasama sa hirap at ginhawa.
Naniniwala sina Senate Majority Leader Francis Pangilinan at Senate Majority Leader Aquilino Pimentel Jr. na sapat na ang "annulment" para maresolba ang problema sa pagsasama ng isang mag-asawa.
Ayon kay Sen. Pangilinan na kasal kay megastar Sharon Cuneta, mas kailangan ng bansa ngayon ang pagpapalawak sa "grounds of annulment" sa halip na diborsyo dahil lalong nakapagpapahina ito sa kalidad ng pundasyon ng isang pamilya.
Si Cuneta ay "annuled" naman sa kasal nito sa aktor na si Gabby Concepcion na ama ng anak nitong si KC.
Ani Pangilinan, dapat lamang na maging sagrado ang sinumpaang "till death do us part" sa mag-asawa.
Samantala, pabor sina Sen. Panfilo Lacson at Senate Pro-tempore Juan Flavier sa panukalang diborsyo bagamat buo at maayos ang mga pamilya nito.
Anila, kung talagang hindi nagkakasundo ang mag-asawa, mas makabubuti na maghiwalay na lamang bago mahuli ang lahat at humantong sa pagkakasakitan.
Mga anak anila ang unang nagdurusa sa ganito lalo na kapag nakikita nila ang harap-harapang pagtatalo ng magulang na nauuwi sa sakitan.
Ganoon pa man, nangangamba si Sen. Flavier kung gaano na nga ba kahanda ang bansa na harapin ang panukalang divorce bill.
Dapat aniya na magkaroon ng safeguards ang nasabing batas para maproteksyunan ang kinauukulan laban sa mga pang-aabuso.
Gayunman, kahit hindi pabor sa panukala, iginiit ni Lacson na hindi prayoridad ng Senado ang pagsusulong ng batas para dito dahil may mas mahalaga pang mga panukalang batas na dapat talakayin gaya ng anti-terrorism bill. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest