Ipinagdiinan ng kongresista na nararapat lamang na pag-igihin ng awtoridad ang pagbabantay sa kaligtasan ng mamamayan sa harap ng ginawang pahayag ni State Prosecutor Peter Medalle na plano ng Abu Sayyaf na umatake sa mga simbahang Katoliko ngayong Semana Santa.
Matatandaan na si Medalle rin ang nagbigay ng babala sa Bureau of Jail Management and Penology sa plano ng mga bilanggong terorista na pumuga sa Camp Bagong Diwa.
Iminungkahi pa nito sa awtoridad na magtatalaga ng mga sekreta sa loob at labas ng simbahan upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga magsisimba.
Aniya, hindi dapat magpatumpik-tumpik pa ang PNP at AFP hinggil sa babala ng ASG dahil nakasalalay dito ang kaligtasan ng mga inosenteng mamamayan. (Ulat ni Malou Rongalerios)