Holy Week plot gibain solon
March 20, 2005 | 12:00am
Nanawagan ang isang kongresista sa pamahalaan at sa militar na paigtingin pa ang kampanya laban sa mga teroristang Abu Sayyaf upang hindi maisagawa ng grupo ang maitim na balak nito sa panahon ng Semana Santa. Hinikayat ni House Asst. Majority leader Antonio Cerilles ang PNP at Armed Forces of the Philippines na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy kung saan nagtatago ang mga kasapi ng teroristang grupo.
Ipinagdiinan ng kongresista na nararapat lamang na pag-igihin ng awtoridad ang pagbabantay sa kaligtasan ng mamamayan sa harap ng ginawang pahayag ni State Prosecutor Peter Medalle na plano ng Abu Sayyaf na umatake sa mga simbahang Katoliko ngayong Semana Santa.
Matatandaan na si Medalle rin ang nagbigay ng babala sa Bureau of Jail Management and Penology sa plano ng mga bilanggong terorista na pumuga sa Camp Bagong Diwa.
Iminungkahi pa nito sa awtoridad na magtatalaga ng mga sekreta sa loob at labas ng simbahan upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga magsisimba.
Aniya, hindi dapat magpatumpik-tumpik pa ang PNP at AFP hinggil sa babala ng ASG dahil nakasalalay dito ang kaligtasan ng mga inosenteng mamamayan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am