Ayon kay Sec. Gonzales, hindi magandang tingnan na ang korte ay lalagyan ng rehas na bakal para lamang sa seguridad umano sa paglilitis ng kaso ng mga ASG.
Ipinaliwanag ni Gonzales, mayroon namang security personnel na magbabantay sa tuwing magkakaroon ng paglilitis sa kaso sa korte ng mga ASG kaya hindi na kailangang maglagay pa ng rehas na bakal dito.
Unang hiniling ni State Prosecutor Peter Medalle na lagyan ng rehas na bakal ang korteng didinig sa kaso ng mga ASG dahil sa pangamba na muling magsagawa ng hostage ang mga ito tulad ng ginawa sa BJMP jail sa Taguig. (Ulat ni Grace Amargo-dela Cruz)