^

Bansa

School canteen, food vendor hihingan na ng lisensya

-
Iminungkahi ngayon ng mga pinuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na dapat dumaan sa mapanuring kamay ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) ang operasyon ng mga kantina sa loob ng mga paaralan, pribado man o pampubliko.

Naniniwala sina House committee on agriculture and food chairman Benasing Macarambon at committee on people’s participation chairman Ernesto "Banzai" Nieva na naiwasan sana ang trahedyang nangyari sa Bohol kung naging masinop lamang ang mga kawani at opisyal ng Department of Education, Department of Health at maging ang mga Local Government Units sa pag-iinspeksiyon sa mga pagkaing itinitinda sa mga paaralan.

Ayon sa mga mambabatas, responsibilidad ng mga nasabing tanggapan na tiyaking malinis ang paghahanda at pagluluto sa mga pagkaing itinitinda sa kantina at maging sa labas ng mga paaralan.

"Dapat alamin ng DepEd at ng DOH kung malinis ang kusina at ligtas ito sa anumang kemikal at mga insekto tulad ng ipis at daga," ani Macarambon.

Naniniwala rin ang kongresista na hindi dapat bigyan ng pahintulot na magtinda sa loob ng mga paaralan ang mga kantinang hindi pumasa sa panlasa ng DepEd at DOH habang dapat hingan na ng lisensya ng mga lokal na pamahalaan ang mga nagtitinda ng pagkain sa labas ng mga paaralan upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral at ng publiko.

Ayon naman kay Nieva, dapat nang iregularisa ng lokal na pamahalaan ang mga nagtitinda ng fish ball, squid ball, gulaman at iba pang kakaning matatagpuan sa mga paaralan dahil walang ahensiya ng pamahalaan na nagbabantay dito. (Malou Rongalerios)

AYON

BENASING MACARAMBON

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

LOCAL GOVERNMENT UNITS

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU RONGALERIOS

NANINIWALA

NIEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with