^

Bansa

8 opisyal kukumpiskahan ng yaman

-
Walong mga tiwaling opisyal ng pamahalaan ang nahaharap na sa pagkumpiska ng mga ari-arian at iba pang yaman na kurakot sa kabang yaman ng bansa, ayon kay Chief Legal Counsel at Anti-Corruption Czar Merciditas Gutierrez.

Tinukoy ni Gutierrez ang mga opisyal na ito na dalawang mataas na opisyal ng Bureau of Internal Revenue, dalawa mula sa Bureau of Customs, 1 sa Department of Public Works and Highways at tatlo mula sa Armed Forces of the Philippines.

Walang mga pangalang binanggit si Gutierrez sa idinaos na press briefing bagaman sinabi niyang mayroon nang mga nakasampang kasong "graft" laban sa mga ito.

Anim na buwan anyang pag-iimbestiga ng Ombudsman sa graft cases ng walong opisyal ay dahil sa kakulangan ng mga imbestigador at taga-usig. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ANTI-CORRUPTION CZAR MERCIDITAS GUTIERREZ

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEF LEGAL COUNSEL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

LILIA TOLENTINO

TINUKOY

ULAT

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with