^

Bansa

4-day work week, niluluto na sa Kamara

-
Tinalakay na ng House Committee on labor and employment ang panukalang "staggered working hour" na naglalayong paikliin ang araw na ipinapasok ng isang empleyado sa loob ng isang linggo upang mas magkaroon ng panahon sa kanilang pamilya.

Layunin ng House Bill 1507 na inihain ni Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali na gawing apat na araw na lamang ang pasok sa mga opisina pero mananatili ang 40-work hour period.

Sa ibang tanggapan, ang nasabing scheme ay tinatawag na ‘compressed work week’ (CWW).

Tinalakay din ng komite ang Department Advisory No. 02 ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ipinalabas noong Disyembre 2, 2004 kung saan pinapayagan ang mga employers at employee na magkaroon ng sariling CWW scheme.

Ipinaliwanag ni Umali na bagama’t paiikliin ang araw ng trabaho sa isang linggo, mananatili pa ring 40-oras ang ipapasok sa mga opisina dahil gagawin lamang na mas maaga ang pasok at late ang uwi ng mga empleyado.

Sa kasalukuyan, ginagamit na ng CWW sa House of Representatives kung saan 4-days na lamang ang ipinapasok ng mga empleyado pero humaba ang oras ng ipinapasok nila sa isang araw.

"The reduction in the number of working days could also translate to savings in terms of transportation and food costs," paliwanag ni Umali.

Ayon naman kina Anakpawis Rep. Crispin Beltran at Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, dapat tingnan ng DOLE ang ipatutupad na scheme upang masigurong hindi maaabuso ang mga empleyado. (Malou Rongalerios)

vuukle comment

ALFONSO UMALI

ANAKPAWIS REP

BAYAN MUNA REP

CRISPIN BELTRAN

DEPARTMENT ADVISORY NO

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MALOU RONGALERIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with