Mambabatas, maglason na lang! -- Andaya
March 5, 2005 | 12:00am
"Masyadong masakit yon (hara-kiri), bakit hindi na lang kami maglason at uminom ng cyanide."
Ito ang naging sagot kahapon ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., chairman ng House committee on appropriations sa hamon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na maghara-kiri ang mga senador at congressman sa halip na buwagin ang dalawang kapulungan ng Kongreso.
Kapawa nagtuturuan ang mga mambabatas sa Senado at House of Representatives na may masamang balak sa kanilang pork barrel kaya biglang ipinasa ang 2005 national budget nang hindi idinadaan sa bicameral conference committee.
Sinabi ni Andaya na naghuhugas kamay lamang ang mga senador kaya iniiba ang atensyon ng taumbayan sa pamamagitan nang pag-akusa sa mga kongresista na nais ng mga itong ibalik ang P70 milyong pork barrel sa halip na P40 milyong na nakapaloob sa 2005 national budget.
Sila ang nahuli sa kusina, bakit kami ang inaakusahan nila ngayon, ani Andaya.
Magugunitang inakusahan ng mga senador ang mga kongresista na balak dagdagan ang kanilang pork barrel kaya hindi na idinaan sa bicameral committee ang pambansang budget.
Samantala, sinabi ni House Minority leader Francis Escudero na bubusisiin pa rin nilang mabuti ang ipinasang national budget upang masigurong hindi ito nadagdagan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest