Agad ding dinala sa bayan nito sa Digos, Davao del Sur ang mga labi ng 41-anyos na OFW na inasistehan ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) southern Mindanao chief Zenovia Caro.
Sinabi ni Caro na kailangang maibigay pa ang mga kakailanganing dokumento ng pamilya Leong bago mai-facilitate ang insurance claims nito.
Magugunita na noong Enero 27 ay minalas na maaksidente si Leong habang nagde-deliver ito ng mga kagamitan mula sa kanyang pinapasukang Detecon Al-Saudia sa Riyadh. Unang inireport na nawawala si Leong at hininalang kinidnap subalit makaraan ang ilang araw na paghahanap ay nakita ito sa isang ospital at wala nang buhay. (Edith Regalado/Grace A. dela Cruz)