Piskal na gustong maging hukom, tumaas
February 14, 2005 | 12:00am
Nangangamba ngayon ang Department of Justice (DOJ) na baka maubusan na sila ng mga piskal matapos na mag-apply ang mga ito bilang mga hukom dahil sa liit ng suweldong tinatanggap sa pamahalaan.
Kinumpirma kahapon ni Atty. Luzviminda Puno, chief clerk ng Korte Suprema na tambak ngayon ang aplikasyon ng mga piskal na nagnanais na maging hukom.
Karamihan umano dito ay gustong sumuong kahit mapatapon sa malalayong lugar sa Mindanao na pinakamalaki ang pangangailangan sa mga hukom. Umaabot umano sa 35 mga piskal ang nagbigay na ng kanilang aplikasyon para sa naturang trabaho kahit na nanganganib ang kanilang buhay.
Pangunahing rason umano ay ang mababang suweldo na tinatanggap ng mga piskal na tataas lamang ng bahagya sa P30,000 na tinatanggap naman ng mga hukom.
Kasunod lamang nito ang pagtaas ng kanilang mga career at makapaglingkod sa bayan.
Sa kabila naman nito, nilinaw ni Puno na tanging ang qualified fiscal ang tatanggapin ng SC para humawak ng mga korte. Titingnan nila ang paghahangad ng aplikante na makapagbigay ng serbisyo at di ang paghahangad ng pera.
Idinahilan ng SC na posibleng mauwi sa pagiging abusado at kurakot na hukom ang mga piskal na tatanggapin nila na nais lamang mapataas ang kanilang tinatanggap na suweldo. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest