^

Bansa

Desisyon ng Japan sa bagong immigration policy nakabitin

-
Sa Marso pa malalaman kung papayag ang Japanese government sa kahilingan ng Pilipinas na limang taong moratorium para sa pagpapatupad ng mabigat na immigration policy.

Sinabi ni Zamboanga Rep. Roselle Barinaga, chair ng house committee on labor, sa susunod na buwan pa malalaman kung ano ang magiging desisyon ng Japan kaugnay sa gagawing paghihigpit sa visa policy sa ating mga Overseas Performing Artists (OPA’s).

Umapela sina Rep. Barinaga at Albay Rep. Edcel Lagman sa Japanese Congress at Ministry of Justice na bigyan ng sapat na panahon ang Pilipinas para makaabot sa kanilang deadline.

Libo-libong OPA’s at OFW’s ang maaapektuhan ng panibagong visa policy ng Japan sa sandaling ipatupad na ito.

Wika pa ni Barinaga, nakatakdang mag-usap muli sa Marso ang Japanese government at iba pang kongresista kaugnay sa ipapalabas na pinal na desisyon tungkol sa ipapatupad na bagong immigration laws ng Japan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ALBAY REP

BARINAGA

EDCEL LAGMAN

JAPANESE CONGRESS

MALOU RONGALERIOS

MINISTRY OF JUSTICE

OVERSEAS PERFORMING ARTISTS

PILIPINAS

ROSELLE BARINAGA

SA MARSO

ZAMBOANGA REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with