Pamilyang Tarongoy humingi ng dasal
February 5, 2005 | 12:00am
Dumulog kahapon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pamilya ni Roberto Tarongoy upang humingi ng panalangin para sa agarang pagpapalaya sa Pinoy OFWs na hanggang ngayon ay bihag sa Iraq.
Sa isang liham sa CBCP, hiniling ng pamilya Tarongoy na ilakip sa panalangin sa lahat ng Simbahang Katoliko ang kaligtasan ng bihag na OFW sa Iraq.
Nakalakip din sa liham kay CBCP president Fernando Capalla ang buong panalangin ng Episcopal Commission on Liturgy para sa mabilis na paglaya ni Tarongoy mula sa kanyang mga abductors sa Iraq.
Nakiusap din ang pinuno ng CBCP sa lahat ng pari na ilakip ang nasabing panalangin sa tuwing magdaraos ng misa hanggang hindi pa nakakalaya si Tarongoy.
Umaasa ang pamilya ng dinukot na OFW na sa pamamagitan na lamang ng panalangin ang kanilang pag-asa upang makauwi ng ligtas si Bobby matapos itong dukutin ng mga Iraqi militants. (Ulat ni Gemma Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended