'Lateral Attrition' pasado na sa Senado
January 9, 2005 | 12:00am
Bilang na ang araw ng mga makukupad na opisyales ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos na maaprubahan ng Senado kamakalawa ng gabi ang "Lateral Attrition Bill".
Ayon kay Senador Ralph Recto, chairman ng Senate committee on ways and means, mapipilitan na ang mga nagtatrabaho sa BOC at BIR na kumolekta ng tamang buwis imbes na daanin sa lagay ang pagpapalusot ng mga epektos o kargamento.
Aniya, kung hindi makakaabot sa quota ang mga opisyales ng naturang ahensya ay magiging kandidato sila sa sibakan sa serbisyo.
Ipinaliwanag ni Recto na sakali mang lumagpas sila sa kanilang quota, may naghihintay din na pabuya para sa kanila.
"Government is dangling a carrot, in terms of bonuses, for good performance, and a stick, if one underperforms. Good collectors get better pay slips. Poor collectors get pink slips," ani Recto.
Naniniwala ang senador na kapag naisabatas ang panukalang ito, mababawasan na rin ang smuggling sa bansa kung saan tinatayang P50 bilyon kada taon ang nalulugi sa pamahalaan dahil sa nasabing illegal operation. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest