^

Bansa

Jinggoy sasama sa HK trip ni Erap

-
Hiniling ni Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan Special Division na payagan siyang makasama ang kanyang amang si dating Pangulong Erap Estrada sa pagpunta nito sa Hong Kong.

Sinabi ni Jinggoy, nais niyang makapiling siya ng ama habang nagpapa-opera ito ng kanyang tuhod sa Hong Kong Adventist hospital.

Ayon kay Estrada, walang batayan ang mga bintang ng mga kaalyado ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na may balak na tumakas ang kanyang ama gaya ng paratang ni Ilocos Sur Governor Luis ‘Chavit’ Singson.

Sinabi ni Jinggoy, kung balak ng kanyang ama na tumakas ay noon pa ito ginawa nang alukin siya ni dating Justice Secretary Hernani Perez pero pinili ng kanyang ama na makulong dito sa loob ng apat na taon.

Naniniwala ang batang Estrada na maaabsuwelto silang mag-ama sa kasong plunder na isinampa sa kanila dahil wala naman itong katotohanan at gawa-gawa lamang para mapatalsik ang dating Pangulo sa puwesto.

Aniya, sa mga iniharap na testigo ng prosecution sa Sandiganbayan ay walang makapagturo na ang kanyang ama o siya ay sangkot sa ibinibintang na pandarambong.

Sa iniharap na petisyon ni Jinggoy sa Sandiganbayan ay inaasahan niyang papayagan din siya ng anti-graft court na makalabas ng bansa para masamahan ang kanyang ama hanggang sa umuwi ito ng bansa sa itinakdang petsa ng korte na Enero 15, 2005. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AMA

HONG KONG

HONG KONG ADVENTIST

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

JUSTICE SECRETARY HERNANI PEREZ

KANYANG

PANGULONG ERAP ESTRADA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with