Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang pagsasara sa Kuwaiti border ay limitado lamang sa mga OFWs upang maiwasang maulit ang nangyari sa 2 OFWs na nakapuslit patungong Iraq.
Sinabi ng OWWA, minabuti ng isara ang border papasok ng Iraq para hindi na maulit ang nangyari kina Angelo dela Cruz at Angelito Tarongoy na pawang dinukot ng mga Iraqi rebels.
Sinang-ayunan ng OWWA ang naging desisyon ng Kuwait government na pansamantalang isara ang kanilang border upang hindi makapuslit ang mga OFWs na nagpupumilit magtungo sa Iraq gayung delikado pa rin ang sitwasyon dito.
Umaasa naman ang OWWA na muling makakapagtrabaho ang mga OFWs sa Iraq sa sandaling bumalik sa normal ang sitwasyon dito. (BQuejada)