^

Bansa

NBI ayaw garantiyahan ang dokumentong iniharap sa Sandiganbayan

-
Iginiit kahapon ni NBI director Reynaldo Wycoco na hindi tetestigo ang kagawaran para pagtibayin ang isinumiteng dokumento ng sinibak na NBI regional director Carlos Saunar na nag-aabswelto kay dating Pangulong Estrada sa multi-milyong tobacco excise tax.

Sinabi ni NBI director Wycoco, hindi puwedeng tumestigo ang NBI para pagtibayin ang authenticity ng isinumiteng dokumento ni Saunar sa Sandiganbayan dahil itinago ng sinibak na regional director for Western Mindanao ang lahat ng dokumento ng nanunungkulan pa ito bilang anti-graft division ng National Bureau of Investigation (NBI) na inatasang mag-imbestiga noon sa multi-milyong tobacco excise tax scam.

Wika pa ni Wycoco, dapat ay nagpadala ng subpoena ang korte o sinumang indibidwal hinggil sa kinakailangang record na gagamitin sa paglilitis at maraming record sa anti-graft division na dating pinamunuan ni Saunar ang nawawala at hindi nito isinurender sa ahensiya.

Aniya, hindi niya pinipigilan si Saunar na tumestigo sa Sandiganbayan pero hindi din puwedeng tumestigo ang NBI para kumpirmahin ang authenticity ng dokumento isinumite ng sinabak na NBI regional director dahil sa paglabag sa confidentiality policy ng ahensiya. (Ulat ni Grace Amargo)

CARLOS SAUNAR

GRACE AMARGO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBI

PANGULONG ESTRADA

REYNALDO WYCOCO

SANDIGANBAYAN

SAUNAR

WESTERN MINDANAO

WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with