^

Bansa

Pulis-Isabela sabit sa jueteng payola

-
Pinasasailalim sa imbestigasyon ni DILG Secretary Angelo Reyes kay PNP Director General Edgar Aglipay ang mga pulis ng lalawigan ng Isabela matapos na lumabas ang report na ilang opisyal ng pulis dito ay tumatanggap ng payola.

Sa ulat na nakarating kay Reyes, 5 porsiyento ng kabuuang kita ng jueteng ang tinatanggap ng kapulisan at maging ang ilang local officials ng lalawigan kapalit ng proteksiyon. Aniya, hindi dapat na nakikihati ang mga pulis sa jueteng payola dahil tungkulin ng mga ito na itigil ang operasyon nito.

Nauna rito, nanawagan si Isabela Governor Grace Padaca sa kanyang mga nasasakupang alkalde na makipagtulungan upang tuluyan nang masugpo ang ilegal na sugal sa kanilang probinsiya. Hindi umano nararapat na mamayani ang jueteng sa Isabela dahil ito ang nagiging mitsa ng pag-aaway-away ng mga pulis at opisyal ng pamahalaan.

Ito’y makaraang mapaulat ang pagpasok ng dalawang jueteng lord mula sa Batangas at Pampanga na kinilalang sina Melchor Calauag at Jun Marasigan na naghati sa distrito ng Isabela. (Ulat ni Doris Franche)

ANIYA

BATANGAS

DIRECTOR GENERAL EDGAR AGLIPAY

DORIS FRANCHE

ISABELA

ISABELA GOVERNOR GRACE PADACA

JUN MARASIGAN

MELCHOR CALAUAG

SECRETARY ANGELO REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with