^

Bansa

Pagpunta ni Gen. Garcia sa Kongreso pinipigil ?

-
Nangangamba si Gabriela party-list Rep. Liza Maza na tuluyang magkaroon ng whitewash sa kaso ng suspendidong si AFP Comptroller chief Maj. Gen. Carlos Garcia dahil sa patuloy nitong pananahimik at hindi pa rin pagsipot kahapon sa Kongreso.

Ayon kay Maza, nakapagtataka ang biglang pagkakasakit ni Garcia na hindi na nakita ng publiko simula nang pumutok ang pagkakaroon niya ng ‘unexplained wealth’.

Posible rin anyang may mga mambabatas na ayaw makarating si Garcia sa pagdinig ng komite dahil baka madawit ang kanilang pangalan sa kontrobersiyang kinakasangkutan ng heneral.

Nauna rito, napaulat ang pagkakasangkot hindi lamang ng pangalan ni Garcia kundi ng iba pang heneral at mambabatas sa katiwaliang nangyayari sa AFP.

Ibinunyag din ni retired Gen. Rex Robles kaugnay sa pagtawag sa kanya sa telepono ng ilang congressmen at Malacañang officials upang pakiusapan siyang manahimik kaugnay sa isyu.

Sinabi rin ni Robles na nakausap niya si Garcia bago pumutok ang kontrobersiya at sinabi umano ng huli ang pagbibigay ng AFP ng pera sa ilang congressmen at senador na sumuporta sa AFP legislative agenda.

Samantala, inirekomenda kahapon ni House committee on national defense chairman Parañaque Rep. Roilo Golez na italaga rin ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) para mangalaga sa seguridad ni Garcia.

Sinabi ni Golez na maging ang mga miyembro ng kanyang komite ay nangangamba sa kaligtasan ni Garcia kaya dapat lamang na dagdagan ang seguridad nito kung saan ay isinuhestiyon nitong magkaroon ng ‘independent body’ tulad ng PNP at NBI para magbantay kay Garcia.

Ito’y sa gitna na rin ng pangambang pagtangkaan ang buhay ni Garcia ng mga sindikato sa AFP na kasabwat sa sinasabing anomalya ng heneral na nadiskubreng nagtataglay ng $41.7M.

Kaugnay nito ipinanukala ni Golez na isang sibilyan ang gawing AFP Comptroller upang maiwasan ang graft & corruption. (Ulat nina Malou Rongalerios/Joy Cantos)

vuukle comment

CARLOS GARCIA

GARCIA

GOLEZ

JOY CANTOS

LIZA MAZA

MALOU RONGALERIOS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REX ROBLES

ROILO GOLEZ

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with