^

Bansa

Cardinal Sin ligtas na

-
"Stable" na ang kalagayan sa Cardinal Santos Hospital sa San Juan si dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin,76, bagaman nananatili pa ito sa Intensive Care Unit (ICU).

Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP), nagkamalay na ang arsobispo at unti-unti nang lumalakas ang resistensya mula sa kanyang pagkakaratay bunsod ng inabot na cardiac arrest o atake sa puso kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Fr. Jun Sescon, personal assistant ng cardinal, "round the clock" pa rin ang ginagawang obserbasyon ng mga doktor sa kalagayan nito sa kabila ng unti-unting pagbuti ng kanyang kondisyon.

Dahil sa pagkakaratay ng arsobispo, patuloy na umaapela ang kaparian ng simbahang Katoliko sa mga mamamayan na ipagdasal ang lubusang paggaling nito.

Nabatid na may isang taon na ring sumasailalim sa dialysis dahil sa "kidney ailment" si Sin sa kanyang tahanan sa Archbishop’s Palace sa Mandaluyong City nang biglang magsikip ang kanyang dibdib at mahirapang huminga kaya mabilis na isinugod sa nasabing pagamutan. Tinataya ng mga doktor na posibleng magtagal pa ng tatlo hanggang apat na araw ang cardinal bago tuluyang ilabas kapag nakitang maganda na ang kanyang kalagayan. (Ulat ni Mer Layson)

AYON

CARDINAL SANTOS HOSPITAL

CATHOLIC BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DAHIL

INTENSIVE CARE UNIT

JUN SESCON

MANDALUYONG CITY

MANILA ARCHBISHOP JAIME CARDINAL SIN

MER LAYSON

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with