^

Bansa

‘LMG Chemical’ pasok sa Senado

-
Dahil sa posibleng pagbalik ng operasyon ng ipinasara ni Pasig City Mayor Vicente Eusebio na LMG Chemicals na sinasabing bumubuga ng nakalalasong kemikal, naalarma si Senadora Pia Cayetano, chairman ng Senate committee on environment na siyang magsusulong ng imbestigasyon dito.

Sinabi ni Sen. Cayetano na hindi malayong mangyari ang lagim na naganap sa Chernobyl, Russia at Bhopal, India nang kapwa mag-leak ang mga planta ng kemikal dito na pumuksa sa maraming buhay.

Lumilitaw na hindi pa puwedeng mag-operate ang LMG Chemicals dahil na rin sa pinakahuling resulta ng emission test na isinagawa ni Amado Santos ng Multipartite Monitoring Team (MMT).

Lumilitaw na umaabot sa 2,126 sulfuric acid parts per million (ppm) ang emission na nagmumula sa LMG Chemical habang ang allowable limit lamang ay 768ppm.

Ang ‘sulfuric acid’ ang siyang uri ng kemikal na sumingaw noong isang buwan na naging dahilan ng pagkakalason ng may 36 kabataang estudyante sa dalawang public school sa Pasig City.

Nabatid na magkatuwang ngayon ang grupo ni Sen. Cayetano at Sen. Biazon sa pagsasagawa sa imbestigasyon sa ipinasarang LMG Chemical.

Maging ang mga residente na malapit sa kinaroroonan ng planta ay patuloy na nangangamba sa kanilang kalusugan at kaligtasan kapag pinahintulutan muli ng Dep’t of Environment and Natural Resources (DENR) na makapag-operate ang LMG Chemical.

Anila, ayaw na nilang maulit ang trahedyang naganap noong nakalipas na Agosto 2001 kung saan sumingaw ang planta na naging dahilan ng pagkamatay ng isang Ana Cahindi matapos na makalanghap ng sulfuric acid.

Naulit pa ang insidenteng ito noong nakalipas na Set. 10, 2004 na nagresulta ng pagkakasugod sa Pasig City General Hospital ng 26 na estudyante ng San Joaquin Elementary School. (Mer Layson)

AMADO SANTOS

ANA CAHINDI

CAYETANO

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

LUMILITAW

MER LAYSON

MULTIPARTITE MONITORING TEAM

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

PASIG CITY MAYOR VICENTE EUSEBIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with