GMA naimbiyerna, Davao Airport naubusan ng toilet paper
October 3, 2004 | 12:00am
Hindi naitago ni Pangulong Arroyo ang pagkainis nang matuklasan nitong naubusan ng toilet paper ang ladies room ng VIP lounge ng Davao International Airport.
"Kung walang toilet paper sa VIP lounge, paano pa kaya sa ibang restrooms na ginagamit ng karamihan ng mga pasahero?" inis na pahayag ng Pangulo sa isang hapunan kamakalawa kasama ang mga Davao-based mediamen sa Davao Waterfront Insular Hotel.
Higit pang nadagdagan ang pagkasuya ng Pangulo nang sabihin ni Davao Mayor Rodrigo Duterte na ang lokal na pamahalaan ang siyang nagsu-supply ng toilet paper at hindi ang lokal na Air Transportation Office na siyang nangangasiwa sa P6-B airport facility na nagsimulang mag-operate noong Disyembre ng nakaraang taon.
Nagtataka ang Pangulo kung paanong nangyari na ang lokal na pamahalaan ang siyang supplier ng toilet paper ng international airport gayong hindi dapat na mag-deteriorate ang paliparan.
Samantala ay pinapurihan naman ng Pangulo si Pastor Apollo Quiboloy ng Jesus the Name Above Every Name congregation dahil sa ginawa nitong pagpapaganda sa labas ng paliparan.
"Nakakataba pa rin ng puso na malaman na mayroon pa ring ibang mga pribadong nilalang na tumutulong upang mapaganda ang ating paliparan," pahayag ng Pangulo.
Nabatid na nalulugi ang Davao Internatl Airport sa kabila ng pagiging ultra-modern nito at tanging Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Mactan Airport sa Cebu na lamang ang kumikita.
Dahil dito ay ipinasailalim ng Pangulo ang Davao Airport sa kontrol at pangangasiwa ng Manila International Airport Authority (MIAA). (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest