^

Bansa

GSIS at SSS pagsasamahin

-
Iminungkahi ni Sen. Sergio Osmeña III na pagsamahin na lang ang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) upang maisalba ang huli sa pagkalugi nito.

Ayon kay Sen. Osmeña, ang merger ng dalawa ay magiging matatag dahil magkakaroon ng check and balance ang dalawang ahensiya.

Iniharap ni Osmeña ang kanyang rekomendasyon sa patuloy na pagdinig ng Senate committee on finance na pamumunuan ni Sen. Manny Villar, Jr. at sa harap ng mga economic managers ng gobyerno.

Sinabi pa ng senador na kaya matatag pa rin ang GSIS sa ngayon ay dahil sa malaki ang monthly premium na nakukuha nito sa 21 porsiyento kumpara sa 9 porsiyento lamang ng SSS.

Tinukoy ni Osmeña na mismanagement ang problema ng SSS dahil na rin sa walang humpay na biyahe ng chairperson nitong si Corazon dela Paz.

Mayroong P312 bilyong asset ang GSIS, samantala P171-B ang sa SSS at nahaharap pa ito sa deficit na P1.4 Trilyon sa mga darating na taon dahil sa hindi mabayarang pensiyon ng mga SSS members. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

CORAZON

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

IMINUNGKAHI

INIHARAP

MANNY VILLAR

OSME

RUDY ANDAL

SERGIO OSME

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with