^

Bansa

Pangalan ni Rep.Mikey nilinis ng Petcoa

-
Nilinis kahapon ng pamunan ng Private Emission Testing Center Operators Association (Petcoa) ang pangalan ni Pampanga Congressman Mikey Arroyo sa usapin ng dalawang emission testing na umano’y tinulungan ng una upang makapag-operate sa kabila ng suspension order ng DOTC sa kanilang operasyon.

Sa panayam, sinabi ni Petcoa president Antonio Halili, batay sa isinagawa nilang sariling imbestigasyon hinggil sa nabanggit na isyu, walang kinalaman si Rep. Arroyo sa patuloy na pagbubukas ng R1 Emission Center at AMG Emission Center sa San Fernando, Pampanga.

Nalaman din ng Petcoa na nagmatigas na gamitin ng naturang mga emission center ang pangalan ni Arroyo upang maipagpatuloy ang operasyon sa kabila ng suspension order.

Ang R1 at AMG emission centers ay paso na ang authorization para makapag-operate ng negosyo.

Una nang nagbanta si Arroyo na mananagot sa kanya ang mga taong gagamit ng kanyang pangalan laluna sa ganitong uri ng usapin dahil walang sinuman ang kanyang pinapayagan na gamitin siya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ANTONIO HALILI

CRUZ

EMISSION

EMISSION CENTER

NALAMAN

PAMPANGA CONGRESSMAN MIKEY ARROYO

PETCOA

PRIVATE EMISSION TESTING CENTER OPERATORS ASSOCIATION

SAN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with