Bago tinanggap ng Pangulo ang resignation ni Murga, hiningi niyang kumpletuhin muna ang mekanismo sa organisasyon ng Napocor, patatagin ang mekanismo para sa pagtitipid at pagbabawas ng gastos sa kompanya ng enerhiya at pabilisin ang pagsasapribado ng Napocor. Magkakabisa ang kanyang pagbibitiw sa Disyembre 31, 2004.
Pinuri ng Pangulo ang naisakatuparang gawain ni Murga lalo na sa panimulang pagbabawas ng mga empleyado ng Napocor mula sa dating 8,000 na naging 3,700. Wala pang napipiling kapalit ni Murga. (Ulat ni Lilia Tolentino)