^

Bansa

Kasong murder kay Strunk, pinagtibay

-
Nagkaroon ng pag-asa ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) matapos na ipalabas ng Court of Appeals (CA) ang desisyon na nagpapatibay sa kasong pagpatay laban kay Rod Lauren Strunk kahapon hinggil sa Nida Blanca murder case.

Sa ipinalabas na desisyon ng 16th Division ng CA na nilagdaan ni Associate Justice Renato Dacudao, ibinasura nito ang petisyon ni Atty. Alma Mallonga, abogado ni Strunk na nagpapawalang-bisa sa kasong murder sa kanyang kliyente.

Kasabay nito ay pinagtibay din ang warrant of arrest na ipinalabas noon ni Judge Alex Quiros ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 156 laban kay Strunk at sinabing hindi nagkamali ang nasabing hukom.

Pinagbasehan ng appellate court ang apat na mabibigat na circumstantial evidences na kinabibilangan ng logbook ng security guard na kasama si Strunk nang mapatay ang beteranang aktres; walang inihaing ebidensiya si Strunk na magpapatibay sa kanyang alibi o dahilan na wala ito nang maganap ang krimen noong Nobyembre 6, 2001 mula alas-5 ng hapon hanggang alas-4 ng umaga ng Nob. 7; hindi sapat na nakontra ni Strunk na sila’y magkakilala at pamilyar sa isa’t isa ni Philip Medel, ang self-confessed killer; at ang open secret ni Medel sa mga malalapit na tao na sangkot ang dalawa sa nasabing krimen.

Dahil dito, sinabi ng DOJ na muling isusulong nito ang extradition case laban kay Strunk na kasalukuyang nasa Estados Unidos upang harapin ang kaso nito sa Pilipinas. (Ulat ni Ludy Bermudo)

ALMA MALLONGA

ASSOCIATE JUSTICE RENATO DACUDAO

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTADOS UNIDOS

JUDGE ALEX QUIROS

LUDY BERMUDO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NIDA BLANCA

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with