Ang grupo na mula sa mga kinatawan ng business sector, NGOs at religious groups ay nagpahayag ng kanilang suporta sa pamumuno ni Arciaga nang manumpa ito kay Bayan Muna Rep. Teddy Casiño. Dumalo rin sa panunumpa sina Usec. Robert Rivera, Antonio Tujan ng Ibon Foundation and Center for Empowerment and Governance.
Layunin ng MAAC ang mapagwagian ang giyera laban sa katiwalian, pang-aabuso at iba pang uri ng kriminalidad sa pamamagitan ng pagpapaalam sa publiko, pagtugis sa mga abusado at corrupt, pagsasampa ng kaso laban dito at pagkakaloob ng suportang legal at pinansyal sa mga biktima.
Sa panig ng religious sector ay sinabi nito na batid nila na maraming mapang-abuso at corrupt ang lagi na lamang nagkakanlong sa simbahan sa oras na nakapambiktima na ito. Hindi anila papayagan ng grupo na maging instrumento ang relihiyon upang gawing pananggalang at maskara ng mga tiwali at mapang-abusong opisyal at indibidwal sa pamahalaan at pribadong sektor. (Ulat ni Ellen Fernando)