P1-M 'lagay' sa ralista
September 9, 2004 | 12:00am
Kargado umano ng tumataginting na P1 milyon ang mga magraraling empleyado ng Duty Free Philippines sa Kongreso ngayon bilang bahagi ng tangkang pagpapatalsik sa puwesto ng general manager ng DFP.
Ayon sa isang source mula mismo sa hanay ng mga ralista, binayaran umano ng DFP supplier na si William Tieng ang mga ralista upang isagawa ang kilos protesta laban kay DFP general manager Michael Kho.
Idinagdag ng source na pati umano si Al Bautista, presidente ng DFP Employees Association ay binayaran din umano ni Tieng upang sampahan ng kaso si Kho.
Nauna rito, naghain si Bautista ng kasong katiwalian laban kay Kho sa Ombudsman kaugnay ng umanoy maanomalyang chocolate supply contract ng DFP at ng Eastern Duty Free Management Services Inc.
Ayon kay Bautista, hindi umano dumaan sa bidding ang naturang contract.
Ngunit napag-alaman na hindi naman pala kinakailangan na dumaan sa bidding ang mga kontrata ng DFP dahil na rin sa specialized nature nito bilang isang duty free shop.
Ibinunyag ni Kho at David Weile, ang principal ng Eastern Duty Free Management Services, Inc. na dumaan sa legal na proseso ang inirereklamong kontrata ni Tieng.
Samantala, naniniwala ang maraming empleyado ng DFP na binayaran ni Tieng si Bautista ng kalahating milyong piso upang sampahan nito ng kaso si Kho at matanggal ito sa puwesto para tuluyang manopolyo ang mga kontrata sa DFP. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended