^

Bansa

Nag-aklas na Pinoy fishermen sumuko na!

-
Sumuko na ang tinatayang 200 mangingisdang Pinoy na nang-hostage at tumangay ng 15 barko na pag-aari ng kanilang pinapasukang kumpanya, sa mga awtoridad sa Papua New Guinea.

Ayon kay Foreign Affairs Usec. Jose Brillantes, nagsipagbalikan na sa kanilang trabaho matapos ang isang araw na negosasyon ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa nabanggit na mga manggagawa.

Naayos na rin ang gusot sa pagitan ng mga mangingisda at sa kumpanyang RP Tuna Ventures, Inc., isang Philippine-owned tuna-caning company na inireklamo nila dahil sa hindi pagbibigay ng tamang suweldo at ibang benepisyo.

Hindi naman kinasuhan ng ship owner ang mga nag-aklas na mga mangingisda at maging ang pamahalaan ng Papua New Guinea kung saan naglayag ang mga barkong kanilang tinangay ay hindi rin nagsampa ng kaso dahil na rin sa pakikipag-usap ni Ambassador Bienvenido Tejano.

Gagastusan naman ng nabanggit na kumpanya ang repatriation ng mga mangingisda na nagpayag ng kanilang kagustuhang bumalik na lang sa Pilipinas. (Ulat ni Ellen Fernando)

AMBASSADOR BIENVENIDO TEJANO

AYON

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS USEC

GAGASTUSAN

JOSE BRILLANTES

PAPUA NEW GUINEA

PILIPINAS

TUNA VENTURES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with