^

Bansa

Dagdag singil ng SSS kinontra ni Sen. Villar

-
Tahasang kinontra ni Sen. Manuel Villar ang plano ng Social Security System (SSS) na taasan ng tatlong beses ang kasalukuyang buwanang kontribusyon ng mga kasapi nito.

Ayon kay Villar, chairman ng Senate committee on finance, mali at mapanliit ang planong ito ng SSS dahil ang mga karaniwang manggagawa ang direkta nitong maaapektuhan.

Mistula aniyang ipinapako ng gobyerno sa krus ang taumbayan dahil ito ang pinapahirapan sa kapalpakan ng mga opisyal ng SSS na hawakan at pamahalaan ng mahusay ang pondo ng ahensiya.

"Para na ring tinapyasan ng gobyerno ang suweldo ng mga manggagawa sa planong ito ng SSS," ani Villar.

Plano ng SSS na taasan ang kasalukuyang buwanang kontribusyon ng 8.4 hanggang 22 porsiyento sa susunod na anim na taon upang maiwasan ang pangkabangkarote ng ahensiya.

Kaugnay nito, iminungkahi ng senador sa mga opisyal ng SSS na pagbutihin muna ang koleksiyon nito bago magpatupad ng umento sa kontribusyon ng kanilang mga miyembro.

Ipinabubusisi din nito ang matataas na suweldo at benepisyo ng mga opisyal ng SSS upang makatipid ang ahensiya.

Nagbabala din si Villar na ang planong ito ng SSS ay posibleng magresulta sa pag-ungot ng sektor ng paggawa ng karagdagang suweldo. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

IPINABUBUSISI

KAUGNAY

MANUEL VILLAR

MISTULA

NAGBABALA

RUDY ANDAL

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SSS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with